Sa isang relasyon hindi talaga kayo magiging patas... Hindi nagyayari na lagi kayong parehas... laging yung isa eh nagbibigay ng higit dun sa isa...
Isang taon at tatlong buwan na din ag nakalipas ng magising ako sa realisasyon na hindi nya ako binigyan ng pagkakataon na maging ako... Lagi nalang dapat ganito, dapat ganyan, eto ang tama, mali yang ginagawa mo... minsan hiniling ko na sana naging robot nalang ako.. para di ko nararamdaman ang sakit ng pagbabale wala sayo...
Minsan sa tuwing magisa akong natakbo sa daan... ang dami dami kong naiisip... mga bagay bagay na umalog saking pagkatao..
Nawawalan na ako ng gana... Minsan hindi ko na alam kung bakit ako nagtitiis sa ganitong situwasyon... Sabi nga nila si Rizal ang huling binaril sa Luneta at hindi na uso ang maging martir ngayon.
Ayaw ko makasakit ng tao, pero minsan yun lang ang dahilan para mahanap mo ang tunay na kaligayahan...
Nagsimula naman kaming masaya kaso ng tumagal madami akong natutunan... Hindi siguro ako ang taong para sakanya... Siguro isa lang akong connecting flight para makarating sha sa Perfect destination nya...
Simula ngayong araw... Mabubuhay kong masmahal ko ang sarili ko kesa iba. Mas naiintindihan ko ang sarili ko kesa sa kanya... Mas uunahin ko ang salitang AKO bago ang IKAW...
Mahirap... pero kailangang tiisin...
No comments:
Post a Comment