Thursday, July 29, 2010

Same or Different...

Matapos ang dalawang araw na cold war namin ni boyfriend... kinausap ko na sha kahapon... walang humingi ng tawad sa isat isa... parang walang nangyari... siguro parehas lang kaming ma pride at binalewala nalang ang lahat.. pero shempre dahil ako ang "Lakwatserong Baklita" hinding hindi ako hihingi ng tawad ngayon kasi alam ko na ko ang nasa tama...

so kahapon nag text na ako sakanya... shempre tuwang tuwa sha at kinausap ko na din sha... nagkita kami sa gym after... then on our way home.. i dont feel the same... alam mo yun no excitement of seeing him again... nor holding his hands again.. basta sobrang nawala nalang lahat ng kilig ko sakanya... hindi ko alam kung dahil may tampo pa ako o sadyang wala na talaga...

during those 2 days... ang dami kong naisip... at isa na dito eh yung pagkakaron namin ng pagkakaiba...

ilang beses na kaming nagtatalo sa twing sasapit ang tuesday... tuesday kasi is my scheduled run with my friends... basta kada tuesday nagtatalo kami.. worried daw sha kung nasaan na ako.. basta puro nalang pagtatalo...

naisip ko din na masarap din siguro kung parehas kayo ng ginagawa... shempre nagkakaintindihan kayo... tulad ni boyfriend mahilig sha sa isda... wala kaya akong mashare na kahit ano sa isda kaya wala akong maibahagi sakanya... sha naman since hindi nya hilig ang pagtakbo... hindi nya ako sinasamahan sa mga marathon ko...

haay... nung nakalipas na dalawang araw... naranasan kong maging single uli... mahirap pero masarap... mahirap kasi ikaw na uli magisa... mag isa kang kakain, uuwi.. lahat lahat gagawin mo magisa pero masarap kasi wala kang iniisip kundi ang sarili mo...

haay ang buhay talaga ay kumplikado... pero masaya...

Wednesday, July 28, 2010

Ikalawang Araw...

kahapon di talaga ako nag text sa boyfriend ko... shempre nag away kaya kami nung isang araw... tapos kahit hindi ko kasalanan ang lahat eh shempre ako nanaman ang nasisi...

so ngayon... 2nd day na... nag text na sha kahapon pero dedma lang ako... tapos habang nasa sauna ako nakita ko sha sa labas so nagtago muna ako... sabay nag text sakanya na i just need this time to be at peace with myself...

kaninang umaga nagtext uli sha namimiss daw nya ako... hmm... may konting kilig pero iba pa din pala pag single ka... wala kang iniisip na iba... shempre medyo masarap yung feelong pero shempre medyo malungkot din...

basta ang alam ko manonood kami ng boyfriend ko tomorrow ng CATS... he he he

Tuesday, July 27, 2010

Pagod...

sa twing may hindi magandang nangyayari... lagi nalang ako ang nasisisi... wala na ba ankong nagawang tama sa pananaw mo? kailan mo kaya aaminin na minsan nagkamali ka rin...

ang hirap pala ng ganitong feeling... akala ko nung una basta matured ang partner mo eh wala ka na mashdong iisipin.. maskumplikado pala.. kasi kahit anong gawin mo kulang pa din sakanya...

kasalanan ko din naman.. ang usapan kasi eh every TUESDAY is a free day... kaso kagabi hinanap pa kita... ayun nalate na nga ako sa paguwi... nasisi pa ako sa maling pag U turn... basta lahat na ng maling nangyari ako na ang may kasalanan...

minsan tuloy.. naiisip ko ng mawala... para wala na ang lahat... wala na akong iisipin kundi ang sarili ko lang... SELFISH kaso mas madali...

Thursday, July 22, 2010

Single o Attached?!

Haay last monday nag inarte nanaman ako... Shempre kasama ko si boyfriend last weekend then medyo nagaway lang naman kami... tapos monday di nya ako tinetext dahil nagtatampo daw sha sakin...

pagselosan ba naman ang super gwapong FUBU ni boyfriend before na super good friend ko na ngayon... btw hindi alam ni good friend/FUBU ni boyfriend na KAMI na ni boyfriend... he he he

nwei... basta napagisip lang ako kung gusto ko ba talaga ng buhay na may boyfriend o baka naman ngayon lang ako masaya kasi hindi pa ako nagsasawa...

nalilito na talaga ako... tinatamad din akong magkwento kasi ang tagal din nung huli akong sumulat... cge cge bukas siguro magsisipag na ako...

Monday, July 12, 2010

Tinatamad...

Ilang taon na din akong nabubuhay sa mundo... ilang kilometro na din ang aking tinakbo... ilang titi na din ang aking natikman... pero ngayon tinatamad talaga ako...


hindi ko ma wari kung anong dahilan ng aking katamaran... siguro dala na din ng pagod o dahil siguro paulit ulit lang ako ng ginagawa kaya ganun...

basta ang alam ko sa araw na ito ang t6amad tamad ko...

Wednesday, July 7, 2010

Ang Pagbabalik

Haay... matapos ang apat na araw na pagkakasakit eto at gumaling na ako... Balik Gym na uli... namiss ko din ang Cycling Class ni Mudra at shempre ang mga kalalakihang nag gagagndahang katawan... hmmm... medyo late ako dumating sa gym kasi traffic... dahil super dami ng umaatend ng class ni Mudra I wasn't able to get my favorite bike... pero ok lang kasi masmaganda pala sa likod at nasa harap ako nung new cycling cutie guy... he he he at katabi ko pa yung isang guy din na hottie... in short i'm surrounded with hot guys... so i was really working out well para naman mapansin ako ni hottie... and he did... after some few tiring song the class is about to end... sabi ko kay Mudra "Rude Boys for the last song... "( it's my favorite song kasi) then Mudra played Rude Boys sabay sabing " O cge, ikaw na ang magturo..." people are shouting my name... so i don't want to fail them so i went up the stage and lead the class.... so happy to see hottie guy dancing and following my instructions... super hot talaga...

Nakita ko din sa gym si Super Hoittie na si Adamlicious, si biggie na si Ronnel at shempre madami pang hot guys... i thought after my work out i can still see Ronnel
sa Steam room kaso umuwi na ata sha ng maaga... pero ok lang kasi i saw Adamlicious ng naka undies lang... as in super liit na undies... then i saw yummy Redgie din sa locker...

Haay its nice to be back talaga....

Tuesday, July 6, 2010

Unang Hakbang

Matagal ko ng gustong sumulat kaso hindi ko alam kung pano mag sisimula. Hindi ko alam kung dapat ba English lahat o Purong tagalog ang gagamitin ko... hanggang nabasa ko ang Blog ng kaibigan ng Boyfriend ko... nagkaroon ako ng idea kung pano sisimulan ang lahat... Ito ang unang hakbang... Ito ang simula ng pagbabahagi ko sainyo ng aking buhay...