Thursday, February 24, 2011

The 2 AM call...

Dumadating sa buhay natin na nasasawa na tayo sa pagiintindi sa ibang tao... na sana minsan ikaw naman ang bida... yung tipong ikaw naman ang iniikutan ng mundo hindi yung palaging ikaw ang umiikot...

Isang araw... nagtungo ako sa suki kong gym... ugali ko na kasing maligo o mag sauna muna bago magwork out... habang nasa loob ng sauna... may lalaking naka boxer brief na panay ang tingin sakin... hmmm... mga nasa 5'10 sha... mukang barumbado... at shempre moreno... well pala naman akong naramdamang spark sakanya so naligo na ako agad at nagsimula ng workout...

Sinimulan ko na ang aking work out... well nakita ko din si Mr. Barumbado na magwoworkout palang din... nag atend ako ng Spinning class... eh sa suki kong gym.. tanaw mo sa spinning room yung mga tao sa treadmill... well si Mr. Barumbado ay nag tretreadmill habang ako naman ay nasa spinning class... Ilang beses ko shang nakikitang tumitingin sakin... hanggang sa nagkatitigan kami at ngumiti sha sakin...

Matapos ang Spinning class... eh bumaba na ako para mag sauna uli at maligo... mga ilang minuto ang nakalipas... dumating na din sa sauna si Mr. Barumbado... kaso malas dahil yung lalaki na nanliligaw sakin eh nasa sauna din... ang haba ng buhok ko di ba...

Well umalis na yung manliligaw ko para maligo at naiwan naman ako sa loob... ha ha ha akala ko eh madaming mangyayari kaso mukang mahiyain din si Mr. Barumbado kaya hanggang tiniginan at ngitian lang kami... Lumabas na ako at naligo.. sumama sa manliligaw ko para kumain ng hapunan...

Nagusap kami tungkol sa mga bagay bagay... hanggang sa nasabi nya na... " We'll expected yun sa mga artist. They tend to be super sensitive. " sagot ko naman... " So naiintindihan mo na kung bakit medyo madrama din ako?" sabi nya " Hindi ka naman artist eh."

after ng statement nyang yun natahimik ako.. siguro hindi pa nga nya ako lubos na nakikilala... dahil madalas ako nalang ang nakikinig sakanya... kung saan ang favorite nyang kainin... favorite cartoon character... pati ang favorite nyang car wash shop dapat alam ko... habang nasa daan... napaisip ako... gano nga ba kadami ang alam nya sakin?! gaano kalalim nya na ba ako kakilala?! nalungkot ako bigla kasi feeling ko pagsumali kami sa mga compatibility game eh pag tungkol na saakin ang tanong for sure konti lang ang masasagot nya...

pagdating sa bahay ay natulog na agad ako... sa himbing ng aking tulog eh bigla akong nagising dahil ang ingay ingay ng phone ko... tumatawag pala si suitor... sinagot ko naman....

Suitor: Did I wake you up?
Me: Well yes it's 2 AM..

Suitor: hindi ako makatulog kakaisip, bakit hindi ka kaagad sumunod sakin nung lumabas ako from the sauna?
Me: bakit?! anong issue dun?

Suitor: napansin kong iba ang titig sayo nung isang lalaki sa sauna. Parang hinuhubaran ka nya sa tingin kanina?! ( si Mr. Barumbado ang tinutukoy nya dito )
Me: huh?! ano ka ba... 2 AM ng madaling araw tatawag ka para lang doon.. pwes hindi ko alam na ganun ang tingin nya sakin...

Suitor: hindi ka ba nya hinawakan nung kayong dalawa nalng ang naiwan?
Me: hindi... ano ka ba?! may magnanasa ba sa itsura kong to?!

Suitor: oo naman... ang sarap kaya ng katawan mo...
Me: ano ka ba... matulog ka na nga...

natapos ang usapan... at hindi na ako nakatulog... haay...

ang dami daming natakbo sa isip ko ngayon...

No comments:

Post a Comment